PAUNANG SALITA


Ako ay isa lamang baguhan sa larangang ng fotografia at  patuloy na nagsasaliksik, nag-aaral at nag-e-experimento upang mas lalo ko pang mapagyaman ang aking kaalaman at experiensya sa paghagip ng mga saglit na bahagi ng isang kabuuang sumasalamin sa realidad.


Ang mga larawang ito ay sumisimbolo ng aking pananaw sa mga bagay, sitwasyon at lugar na sumaklaw sa mga kaganapang nangyari sa aking pag-harap sa mundong aking ginagalawan at pakikisalamuha sa mga nilalang na aking nakadaupang palad na makasalubong sa landasing aking tinatahak.

 
Sa pamamagitan ng pagbahagi ng mga larawang ito, nais kong kilitiin ang isipan at pananaw ng mga taong nakisalo sa aking obra.  Aking hangarin na kahit sa mumunting paraang ito ay makapagbigay ng insipirasyon tungo sa pagpapalawak ng kamalayang titingin hindi lamang sa kung ano ang nasa ibabaw kundi kung ano ang nasa kaibuturan ng mga nilalang at pangyayaring ating nakakasalubong sa ating paglalakbay sa buhay.